Ano nga ba
ang Heograpiya?
Ang heograpiya ay may mga salik na pag-aaral tulad ng Kapaligirang
Pisikal. Ito ay may mga uri tulad ng, una: Kinaroroonan, ay
kung saan ka naninirahan o kung saang lugar ka man nananatili,
panagalawa: Hugis, ito ay may itsura ng isang kapaligiaran o
lugar, pangatlo: sukat, para sa akin ito ay nagapakita ng
hangganan ng isang lugar at kung ilang kilometro kuwadrado ang hangganan nito,
pang-apat: Anyo, ito ay nagsasaad kung ano ang uri at pangalan
ng isang lugar, panglima: Vegetation cover, isa itong uri ng
damo na mayroong iba’t ibang klase tulad ng steppe, prairie,
savanna, taiga, tundra at rainforest. Ang steppe ay isang uri ng damuhang may
ugat na nasa malaki o malawak na lupain,ang ugat at damo nito ay mababaw
lamang. Ang prairie naman ay mayroong matataas na damo at may malalalim na
ugat. Ang savanna naman ay pinaghalong o pinagsamang kagubatan at damuhan na lupain. Ang
rainforest naman ay mayroong matataas na damo at ito rin ay masukal,at mayroon
rin itong mga baging na nakalaylay.
Iba’t ibang uri ng Anyong lupa:
Bulubundukin ay
isang uri ng anyong lupa.
ito ay isang uri ng bundok ngunit ito ay mas madami kaysa sa bundok.
Ang Choccolate Hills ay isang bulubundukin na matatagpuan sa Carmen Bohol.
Meron itong 1,776 na burol.
Bulkan ay isang uri ng anyong lupa na naglalabas ng mainit na "lava"
tuwing pagputok. Ang isang bulkan ay maaring maging di-aktibo o dormant (di nagkakaroon ng pagputok) o aktibo
(may panahon ng pagputok).
Talampas o kapatagan sa itaas ng bundok
- na kung minsang tinatawag ding mesa o anumang lokasyong lupa na mataas
kaysa anumang katawan ng karagatan o katubigan.
Disyerto-ay isang
anyo ng tanawin o rehiyon na tumatanggap ng maliit na presipitasyon. Binubuo
din ang maliit na bahagi nito ng mga buhanging duna na tinatawag na erg at mabatong (hamada) ibabaw.
Karaniwan ang paglabas ng mga mabatong mga lupain, na sinasalamin ang
maliit na pag-inam ng lupa at kakaunting pananim. Maaaring patag na natatakluban
ng asin ang mga ilalim na lupain. May
katulad na katangian ang mga malamig
na ilang ngunit niyebe ang pangunahing anyo ng
presipitasyon sa halip na ulan.
Kapuluan o Arkipelago-Ang kapuluan (Ingles: archipelago)
ay isang pangkat ng mga isla o pulo. Ang
kapuluan o arkipelago ay isang anyong lupa na binubuo ng malalaki at maliliit
na pulo. Panay tubig ang nakapaligid sa isang pulo. Ang isang halimbawa ng
kapuluan ay ang mga bansa ng Pilipinas, Hapon, Indonesia at Nagkakaisang Kaharian.
Pulo-Ang pulo o isla ay isang bahagi ng lupa na higit na
maliit sa kontinente at higit na malaki sa bato na
napaliligiran ng tubig. Ang maliliit na pulo na hindi napakikinabangan ay
tinatawag na islet sa Ingles. Ang mga pangkat ng mga magkakaugnay na
pulo ay tinatawag na arkipelago.
Tangway o peninsula-Ang isang tangway o tangos (Ingles: peninsula, cape, promontory) ay isang lupa na
napapaligiran ng tubig sa tatlong sulok. Maaaring maging
tangway ang mga punong lupain (headland), tangos (cape), pulong
promontoryo, lupaing palabas ng dagat, punto o spit. Isang
halimbawa nito ay ang Lungsod ng Cavite (Cavite City), na dating pangalan nito ay Tangwáy.
Bundok ng Mt. Everest ay ang
pinakamataas na bundok sa Daigdig, kapag sinusukat ang taas ng tutok higit
sa kapatagan ng dagat. Nasa hangganan sa pagitan ng Nepal at Tsina ang mga palupo ng tutok ng Everest. Inaakalang tumataas ang tuktok ng
Everest sa tulin na mga 4 milimetro bawat taon.
Ang kapatagan sa heograpiya ay mahaba, patag at malawak na anyong
lupa. Madaling linangin at paunlarin ang mga pook na kapatagan. Mainam ito sa
pagsasaka, Pagtatayo ng mga kabahayan at paaralan at sa pangangalakal kaysa sa
mga talampas at mga bundok.
Ito rin ang pinakamataong uri ng anyong lupa. Dahil sa
patag na lupain, mas madaling magpagawa ng mga lugar na maaaring gamitin ng mga
tao. Sa Pilipinas,
malalawak ang mga kapatagan sa Gitnang Luzon gaya ng Tarlac, Nueva
Ecija,Pampanga at Bulacan.
Maraming produkto ang nakukuha rito tulad ng palay, mais, tubo, kamote at iba pang mga gulay. Sa
kapatagan naman ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ay may malalawak na taniman ng niyog, kape, pinya, dalandan,
mais at palay. Sagana naman sa abaka, papaya, mangga,
tubo at mga gulay sa mga kapatagan ng Negros,Davao, Cebu at Iloilo.
Iba’t ibang uri ng
Anyong Tubig.
Ang ilog ay isang malaking likas na daanang tubig. Maaaring pinagkukunan nito ang isang lawa, isang bukal o pagtitipon ng maliit na mga batis, kilala bilang agos. Mula sa pinagkukunan, dumadaloy pababa ng isang burol ang lahat ng mga
ilog, na kadalasang tumitigil sa mga karagatan. Ang mga ilog, dahil ito ay nagbibigay
ng inumin sa mga tao noong prehistoriko, ay itinuturing pinagmumulan ng mga kabihasnan.
Ang lawa ay isang anyong tubig na pinapalibutan
ng lupain. Karamihan sa mga lawa sa daigdig ay tubig tabang, at halos lahat ay matatagpuan
sa Hilagang Hemispero. Tinatawag namang mga panloob
na dagat ang mga malalaking
lawa.
Ang karagatan ay ang pangunahing bahagi ng anyong tubig, at
prinsipal na bahagi ng kalawakan ng tubig o hidrospera. Tinatayang nasa 72% ng ibabaw ng Daigdig (isang lawak ng mga 361 kilometro kwadrado) ang natatakpan ng
karagatan, isang patuloy na bahagi ng tubig na nakaugaliang hinahati sa ilang
mga pangunahing mga karagatan at maliliit na mga dagat.
Ang World
Oceans Day ay
ipinagdiriwang taon-taon tuwing Hunyo
8.
Ang sapa ay maliit na anyong tubig at
kadalasang natutuyo kapag tag-init...
Ang bukal ay ang anyo ng tubig na sumusulpot sa mga
siwang ng bato. Kadalasang matatagpuan ang mga ito sa dalisdisng bundok o sa mga lugar na may bulkan. Malamig ang tubig
ng mga bukal, samantalang mainit naman ang tubig ng bukal na malapit sa bulkan.
May mineral ang tubig dito kaya nakagagamot ng rayuma at mga sakit sa balat.
Ang talon ay mga daloy ng tubig mula sa isang
mataas hanggang sa mababang bahagi ng isang pook. Nabubuo ang mga ito kapag
dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar na may matitigas na mga batuhan patungo
sa mas mabubuwag o mahihinang uri ng lupa, yelo o bato.
Ang
pangatlo pang salik ng heograpiya: Ang klima ay ang pangkaraniwan at pangmatagalang
kalagayan at katangian ng panahon (weather) sa isang takdang lugar o rehiyon. Depende
ang klima sa pagdating ng kainitan,katuyuan,kalamigan o kabasaan sa pook o rehiyong pinag-uusapan.[1]
At ang huling salik naman ng heograpiya: ang likas na yaman ay natural
na anyong lupa at anyong tubig dahil ito ay ginawa ng ating Diyos. Pag-sinabi
kasing likas nandiyan nayan hindi tao ang gumawa niyan tanging ang diyos lamang
dahil siya ang makapangyarihan sa lahat.
Mga halimbawa ng likas na yaman:
Anyong tubig;
Una. karagatan
Pangalawa. sapa
Pangatlo. ilog
Pang-apat. talon
Pang-lima. lawa
Pang-anim. Bukal
Anyong lupa;
Una. Bulubundukin
Pangalawa. Bundok everest
Pangatlo. Bulkan
Pang-apat. Talampas
Pang-lima. Disyerto
Pang-anim. Kapuluan o archipelago
Pang-pito. Pulo
Pang-walo. Tangway o peninsula
Pang-siyam. Kapatagan
Ang mga halimbawa
ng likas na yaman ay unti-unti naring nauubos sapagkat ang mga nakikinabang ng
mga ito ay inaabuso ang paggamit ng mga likas na yaman katulad nalang ng ilegal
na pag-totroso, ilegal na pagmimina, pagpatag ng mga bundok, pagtapon ng toxic
waste materials sa dagat at ito ay nakakaapekto sa mga isda at koral rips,ito
ay nasisira at ang mga isda naman ay namamatay.
Ang heograpiya ay
itinuturing na sibilisasyon ng isang bansa na may maunlad na antas ng pamumuhay
o kultura. Ang ating mundo ay mayroong ibat-ibang pisikal na katangian, ito ay
magkaugnay at ito rin nakakaapekto sa maraming aspeto ng ating pamumuhay.
Bakit nga ba
kailangan nating pag-aralan ang heograpiya? Para malaman natin ang lahat ng ating mga natural na
yaman, maaliwalas na kapaligiran at kagandahan ng ating bansa. Dahil sa
heograpiya malalaman natin kung ano ang nang yayari sa ibabaw ng mundo at
iba’t-ibang gawin na nagaganap dito.
Mahalaga rin na
matutunan natin ang kaugnayan ng heograpiya sa kasayayan at kultura ng mga tao
sa mga bansang asyano, dahil dito natin malalaman kung ano ang pinagmulan ng
isang bagay at pangyayari. Dapat nating pangalagahan ang lahat ng mga ito upang mas umunlad at mapayapa ang ating
bansa.
Mga katangiang pisikal sa;
Una. Hilagang asya- ito ay mayroong malawak na damuhan ngunit ang mga
puno naman nito ay kakaunti lamang.
Pangalawa. Kanlurang asya- ang malaking bahagi nito ay disyerto at
kakaunti o salat sa tubig ito.
Pangatlo. Timog asya- ito ay hugis tatsulok na isang malaking tangway.
Dito rin makikita ang mga nagtataasang bundok.
Pang-apat.silangang asya- ito ay ang pinakamalaking bahagi ng poulasyon at dito rin naninirahan
ang mga tao, dahil nga marami ang mga nakatira doon nagsisikan na ang mga ito at
karamihan sa mga tao dito ay nagpapastol.
Oasis- ito ay matatagpuan lamang sa kanlurang asya dahil ito ay lugar sa
disyerto na mayroong matatabang lupa at
tubig na maaaring makabuhay ng mga hayop at halaman sapagkat sa ganitong
paraan sila mas makakaluwag at mas magiging mapayapa ang kanilang pamumuhay,
dahil rin sa disyerto naman talaga ang kanilang bahay o tirahan.
Ang salitang heograpiya ay hango sa
wikang Greek nageographia. Ang geo ay nangangahulugang“lupa” samantalang ang
graphein ay “sumulat”.
"Mahalagang malaman ang tungkol sa
pisikal na aspeto ngdaigdig dahil tahananito ng tao," wika ng isang
manunulat.Sumasang-ayon ka ba? Totoong mahalaga ang kaalaman saheograpiya ng
daigdig sapagkat makatutulong ito upang lubos nating maunawaan ang mga
Tulad ng ibang
disiplina ng Agham Panlipunan (antropolohiya, sosyolohiya,agham pampulitika,
sikolohiya,ekonomiks, atlinggwistika) ang heograpiya ay lubos na nakakaapekto
sa mga tao at pangyayaring nagaganap.
Pansinin mo ang
larawan ng ating daigdig.Napakaganda, hindi ba? Bakitmahalagang pangalagaan ng
tao ang daigdig? Makapagbibigay ka ba ng ilang katangian ng heograpiya ng
daigdig? Subukan mong magbigay ng tatlong katangian.
Kung mapapagmasdan mo
ang kagandahan ng daigdig mula sakalawakan, marahil ay maiisip mo na may
malaking impluwensiya ang pisikal na kaanyuan ng daigdig sa paghubog
ngkabihasnan ng mga taong nakatira dito. Tama ka. Ang heograpiya ayhindi lamang
tungkol sa pag-aaralng pisikal na katangian ng daigdig.
Sinasaklaw din sa
pag-aaral ng heograpiya ang pag- unawa at pagbibigay-paliwanag kung paanong ang
kapaligiran ay nakatutulongsa paghubog ng kabihasnan at sa mgaparaan ng
pamumuhay ng mga tao .
Ang mga nakaraang
pangyayari at mga pagbabago sa daigdig o kasaysayan aynaipaliliwanag din sa
pamamagitan ng pag- unawa sa pisikal na katangianng mgabansa sa daigdig. Isang
halimbawa ang mga Phoenician. Habangnamumuhay angsinaunang tao naging
magagaling namangmandaragat ang mgaPhoenician dahil ang lokasyon ng kanilang
lugar ay nakaharap saDagatMediterranean. Gayundin, dahil sa mga ruta at daan
sapagitan ng mga karagatan atmga kontinente, ang mga makapangyarihang bansa ay
nakapagpalawak ng kanilang may malakingimpluwensiya sa kultura ng tao ang
kanilang kinalalagyan saibabaw ngdaigdig. Halimbawa, dapat magsuot ang mga
Eskimosa Alaska ngmakakapal na upang malabanan nila ang lamig sa bahaging itong
daigdig. Kailangan namang magsuot ng makakapal na putong sa ulo ang mga
Indiansa mainit na lugar saKapatagan ng Deccan at mga tao sa Arabia upang
malabananang init dahil sa ang mga istilo ng mga bahay sa pookna nagyeyelo
kungtaglamig ay kakaiba sa mga tahanan ng mga tao sa tropikal na mgabansa.
Pangingisda ang ikinabubuhay ng maramingnakatira sa mga peninsula o
pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Higit na maunlad ang kabuhayan ngmga
bansang sagana sa likas na yaman kaysa mga bansang salat dito.May kinalaman din
ang heograpiya sa paniniwala o
Naging mahalaga ang
heograpiya sa pagtatatag at pagbagsak ng mga bansa. Naging makapangyarihan ang
Carthage noong sinaunangpanahon dahil nasa teritoryonito ang Dagat
Mediterranean.Subalit nang mapasakamay ngmga Romano ang nabanggit na bumagsak
ang Carthage, nawalan ito ng halaga sa daigdig atnaging matatag naman ang
ImperyongRoma. Mahalaga ang DagatMediterranean sapagkat ito ang nag-uugnay sa
mga bansa sa Europa, Asya, at ang mga bansang nakatuklas ng ibang lupain sa
ibangkontinente, gaya ng Espanya at Portugal noong ika-14 nasiglo, ay nakaungos
sa ibang bansa dahil sakaalaman sa heograpiya at naging mga mananakop at
maunlad na may mga bansa ring naging maunlad dahil pinag- aralan nila ang
paggamit ng mga yamang-likas ng kanilang teritoryo o kayay tumuklas at gumamit
ng mga yamang-likas ng ibanglupain upang manguna sa kalakalan at mga gawaing
pampulitika sa buong daigdig, kagaya ng Inglatera at Amerika. Malaki ang
kaugnayan ng heograpiya sa mga pandaigdigang penomena tulad ng El Niño, global
warming, greenhouse effect , bagyo, sandstorm, tornado, lindol, tsunami, La
Niña at iba pa. May ibat ibangepekto ang pagkakaiba-iba ng klima, elebasyon,porma
ng kalupaan,katubigan, behetasyon o sistema nghalaman, uri ng lupa, atmineral,
tulad
1. Ang porma o
elebasyon ng lupa ay nakakaimpluwensiya sa klima. Naaapektuhan ngelebasyon ang
temperatura at patak ng ulan, angepektong tinatawag na rain-shadow sa mga
bulubundukin, angpababang pag-agos ng malamig na hangin sagabi, mga ihip ng
hanginsa lambak at kabundukan, ang lakas at direksyon ng hangin, at iba pa.
2. Naaapektuhan din
ng pormaat elebasyon ng lupa ang mga katubigan. Ang presipitasyon, distribusyon
ng katubigan, pagkawala ng tubig sa mababang lugar, distribusyonng karagatan,
ilog at mga lawaay nakasalalay sa taas o baba
3. May epekto rin ang
porma ng lupa sabehetasyon o sistema nghalaman. Dahil saepektonito sa lupa at
klima, iba- iba ang uri ng mga halamang tumutubo sa
4. Kaiba ang lupa na
nabubuo sa malapit na bundok sa mgakapatagan kaysa doon samalapit sadagat.
Dahil dito, iba rin ang sistema ng pagtatanim, at mga gawaingpang-ekonomiya sa
bawat lugar. Ang mga lupang sagana sa mineral aynakapagbibigay ng ginto, pilak,
tanso, at iba pang uri ng mineral namagagamit at nagpapaunlad sa mga
Ang mga bulubunduking
may minahan ng mgaginto at mineral ay matatag na sandigan ng maunlad na
ekonomiya. Dahil dito,maraming mga lupaing mayaman sa mineral ang nasakop noong
panahon ngkolonyalismo at
5. Sa
isang banda, ang klima rin ay may malaking epekto sa pag-iiba-ibangtemperatura,
pagkatuyo o pagkabasa ng lupa, at sapagkabuo at pagkasira nito. Reponsable ang
klima sa sukat ng ulan at dami ng
Dahil sa klima,
iba-iba ang uring lupa sa maiinit at malalamig na lugar. Iba-ibang halamanang
tumutubo sa iba’t ibang lugar batay sa lamig o init ng panahon. Dahil dyan,
iba’tiba rin ang uri ng mga kalakal na ipinagbibili ng mga bansa sa
pandaigdigang kalakalan.
Great overview! Thanks for the blog post! Sakit.info
TumugonBurahin