Linggo, Agosto 3, 2014

ARALIN: HEOGRAPIYA

Ano nga ba ang Heograpiya?

Sa aking pagkakaunawa sa heograpiya, ang lahat ng bagay ay mayroong pinagmulan. Ang katangiang pisikal ng mundo ay may iba’t ibang likas na yaman na anyong lupa at anyong tubig. Ang mga anyo na ito ay may kadahilanan.
            Ang heograpiya ay may mga salik na pag-aaral tulad ng Kapaligirang Pisikal. Ito ay may mga uri tulad ng, una: Kinaroroonan, ay kung saan ka naninirahan o kung saang lugar ka man nananatili, panagalawa: Hugis, ito ay may itsura ng isang kapaligiaran o lugar, pangatlo: sukat, para sa akin ito ay nagapakita ng hangganan ng isang lugar at kung ilang kilometro kuwadrado ang hangganan nito, pang-apat: Anyo, ito ay nagsasaad kung ano ang uri at pangalan ng isang lugar, panglima: Vegetation cover, isa itong uri ng damo na mayroong iba’t ibang klase tulad ng steppe, prairie, savanna, taiga, tundra at rainforest. Ang steppe ay isang uri ng damuhang may ugat na nasa malaki o malawak na lupain,ang ugat at damo nito ay mababaw lamang. Ang prairie naman ay mayroong matataas na damo at may malalalim na ugat. Ang savanna naman ay pinaghalong o pinagsamang  kagubatan at damuhan na lupain. Ang rainforest naman ay mayroong matataas na damo at ito rin ay masukal,at mayroon rin itong mga baging na nakalaylay.

Iba’t ibang uri ng Anyong lupa:

          Bulubundukin ay isang uri ng anyong lupa. ito ay isang uri ng bundok ngunit ito ay mas madami kaysa sa bundok.



Ang Choccolate Hills ay isang bulubundukin na matatagpuan sa Carmen Bohol. Meron itong 1,776 na burol.









Bulkan ay isang uri ng anyong lupa na naglalabas ng mainit na "lava" tuwing pagputok. Ang isang bulkan ay maaring maging di-aktibo o dormant (di nagkakaroon ng pagputok) o aktibo (may panahon ng pagputok).


  










Talampas o kapatagan sa itaas ng bundok  - na kung minsang tinatawag ding mesa  o anumang lokasyong lupa na mataas kaysa anumang katawan ng karagatan o katubigan.
                                                      


                                                   


      







Disyerto-ay isang anyo ng tanawin o rehiyon na tumatanggap ng maliit na presipitasyon. Binubuo din ang maliit na bahagi nito ng mga buhanging duna na tinatawag na erg at mabatong (hamada) ibabaw. Karaniwan ang paglabas ng mga mabatong mga lupain, na sinasalamin ang maliit na pag-inam ng lupa at kakaunting pananim. Maaaring patag na natatakluban ng asin ang mga ilalim na lupain. May katulad na katangian ang mga malamig na ilang ngunit niyebe ang pangunahing anyo ng presipitasyon sa halip na ulan. 
 




                                                      
                                            
                                                           






Kapuluan o Arkipelago-Ang kapuluan (Ingles: archipelago) ay isang pangkat ng mga isla o pulo. Ang kapuluan o arkipelago ay isang anyong lupa na binubuo ng malalaki at maliliit na pulo. Panay tubig ang nakapaligid sa isang pulo. Ang isang halimbawa ng kapuluan ay ang mga bansa ng Pilipinas, Hapon, Indonesia at Nagkakaisang Kaharian.





       






Pulo-Ang pulo o isla ay isang bahagi ng lupa na higit na maliit sa kontinente at higit na malaki sa bato na napaliligiran ng tubig. Ang maliliit na pulo na hindi napakikinabangan ay tinatawag na islet sa Ingles. Ang mga pangkat ng mga magkakaugnay na pulo ay tinatawag na arkipelago.
 






Tangway o peninsula-Ang isang tangway o tangos (Ingles: peninsula, cape, promontory) ay isang lupa na napapaligiran ng tubig sa tatlong sulok. Maaaring maging tangway ang mga punong lupain (headland), tangos (cape), pulong promontoryo, lupaing palabas ng dagat, punto o spit. Isang halimbawa nito ay ang Lungsod ng Cavite (Cavite City), na dating pangalan nito ay Tangwáy.
             












Bundok ng Mt. Everest ay ang pinakamataas na bundok sa Daigdig, kapag sinusukat ang taas ng tutok higit sa kapatagan ng dagat. Nasa hangganan sa pagitan ng Nepal at Tsina ang mga palupo ng tutok ng Everest. Inaakalang tumataas ang tuktok ng Everest sa tulin na mga 4 milimetro bawat taon.














Ang kapatagan sa heograpiya ay mahaba, patag at malawak na anyong lupa. Madaling linangin at paunlarin ang mga pook na kapatagan. Mainam ito sa pagsasaka, Pagtatayo ng mga kabahayan at paaralan at sa pangangalakal kaysa sa mga talampas at mga bundok.

Ito rin ang pinakamataong uri ng anyong lupa. Dahil sa patag na lupain, mas madaling magpagawa ng mga lugar na maaaring gamitin ng mga tao. Sa Pilipinas, malalawak ang mga kapatagan sa Gitnang Luzon gaya ng Tarlac, Nueva Ecija,Pampanga at Bulacan. Maraming produkto ang nakukuha rito tulad ng palay, mais, tubo, kamote at iba pang mga gulay. Sa kapatagan naman ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ay may malalawak na taniman ng niyog, kape, pinya, dalandan, mais at palay. Sagana naman sa abaka, papaya, mangga, tubo at mga gulay sa mga kapatagan ng Negros,Davao, Cebu at Iloilo

Iba’t ibang uri ng Anyong Tubig.
Ang ilog ay isang malaking likas na daanang tubig. Maaaring pinagkukunan nito ang isang lawa, isang bukal o pagtitipon ng maliit na mga batis, kilala bilang agos. Mula sa pinagkukunan, dumadaloy pababa ng isang burol ang lahat ng mga ilog, na kadalasang tumitigil sa mga karagatan. Ang mga ilog, dahil ito ay nagbibigay ng inumin sa mga tao noong prehistoriko, ay itinuturing pinagmumulan ng mga kabihasnan.
        











Ang lawa ay isang anyong tubig na pinapalibutan ng lupain. Karamihan sa mga lawa sa daigdig ay tubig tabang, at halos lahat ay matatagpuan sa Hilagang Hemispero. Tinatawag namang mga panloob na dagat ang mga malalaking lawa.



















May mga lawa din na sadyang ginawa para sa paggawa ng mga lakas hidro-elektriko, mga gamit pang-industriya, pang-agrikultura, o upang pagkunan ng tubig.



                                                              

Ang karagatan ay ang pangunahing bahagi ng anyong tubig, at prinsipal na bahagi ng kalawakan ng tubig o hidrospera. Tinatayang nasa 72% ng ibabaw ng Daigdig (isang lawak ng mga 361 kilometro kwadrado) ang natatakpan ng karagatan, isang patuloy na bahagi ng tubig na nakaugaliang hinahati sa ilang mga pangunahing mga karagatan at maliliit na mga dagat. Ang World Oceans Day ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Hunyo 8.
                                                                                            
 












Ang sapa ay maliit na anyong tubig at kadalasang natutuyo kapag tag-init...


















Ang bukal ay ang anyo ng tubig na sumusulpot sa mga siwang ng bato. Kadalasang matatagpuan ang mga ito sa dalisdisng bundok o sa mga lugar na may bulkan. Malamig ang tubig ng mga bukal, samantalang mainit naman ang tubig ng bukal na malapit sa bulkan. May mineral ang tubig dito kaya nakagagamot ng rayuma at mga sakit sa balat.














Ang talon ay mga daloy ng tubig mula sa isang mataas hanggang sa mababang bahagi ng isang pook. Nabubuo ang mga ito kapag dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar na may matitigas na mga batuhan patungo sa mas mabubuwag o mahihinang uri ng lupa, yelo o bato.
















Ang pangatlo pang salik ng heograpiya: Ang klima ay ang pangkaraniwan at pangmatagalang kalagayan at katangian ng panahon (weather) sa isang takdang lugar o rehiyon. Depende ang klima sa pagdating ng kainitan,katuyuan,kalamigan o kabasaan sa pook o rehiyong pinag-uusapan.[1]
At ang huling salik naman ng heograpiya: ang likas na yaman ay natural na anyong lupa at anyong tubig dahil ito ay ginawa ng ating Diyos. Pag-sinabi kasing likas nandiyan nayan hindi tao ang gumawa niyan tanging ang diyos lamang dahil siya ang makapangyarihan sa lahat.
Mga halimbawa ng likas na yaman:
Anyong tubig;
Una. karagatan                                                                                                                                                                                                                                                                               
Pangalawa. sapa
Pangatlo. ilog
Pang-apat. talon
Pang-lima. lawa
Pang-anim. Bukal
Anyong lupa;
Una. Bulubundukin
Pangalawa. Bundok everest
Pangatlo. Bulkan
Pang-apat. Talampas
Pang-lima. Disyerto
Pang-anim. Kapuluan o archipelago
Pang-pito. Pulo
Pang-walo. Tangway o peninsula
Pang-siyam. Kapatagan
               Ang mga halimbawa ng likas na yaman ay unti-unti naring nauubos sapagkat ang mga nakikinabang ng mga ito ay inaabuso ang paggamit ng mga likas na yaman katulad nalang ng ilegal na pag-totroso, ilegal na pagmimina, pagpatag ng mga bundok, pagtapon ng toxic waste materials sa dagat at ito ay nakakaapekto sa mga isda at koral rips,ito ay nasisira at ang mga isda naman ay namamatay.
               Ang heograpiya ay itinuturing na sibilisasyon ng isang bansa na may maunlad na antas ng pamumuhay o kultura. Ang ating mundo ay mayroong ibat-ibang pisikal na katangian, ito ay magkaugnay at ito rin nakakaapekto sa maraming aspeto ng ating pamumuhay.
                 Bakit nga ba kailangan nating pag-aralan ang heograpiya? Para malaman  natin ang lahat ng ating mga natural na yaman, maaliwalas na kapaligiran at kagandahan ng ating bansa. Dahil sa heograpiya malalaman natin kung ano ang nang yayari sa ibabaw ng mundo at iba’t-ibang gawin na nagaganap dito.
                   Mahalaga rin na matutunan natin ang kaugnayan ng heograpiya sa kasayayan at kultura ng mga tao sa mga bansang asyano, dahil dito natin malalaman kung ano ang pinagmulan ng isang bagay at pangyayari. Dapat nating pangalagahan ang lahat ng mga  ito upang mas umunlad at mapayapa ang ating bansa.    
                 
Mga katangiang pisikal sa;
Una. Hilagang asya- ito ay mayroong malawak na damuhan ngunit ang mga puno naman nito ay kakaunti lamang.
Pangalawa. Kanlurang asya- ang malaking bahagi nito ay disyerto at kakaunti o salat sa tubig ito.
Pangatlo. Timog asya- ito ay hugis tatsulok na isang malaking tangway. Dito rin makikita ang mga nagtataasang bundok.
Pang-apat.silangang asya- ito ay ang pinakamalaking  bahagi ng poulasyon at dito rin naninirahan ang mga tao, dahil nga marami ang mga nakatira doon nagsisikan na ang mga ito at karamihan sa mga tao dito ay nagpapastol.  
Oasis- ito ay matatagpuan lamang sa kanlurang asya dahil ito ay lugar sa disyerto na mayroong matatabang lupa at  tubig na maaaring makabuhay ng mga hayop at halaman sapagkat sa ganitong paraan sila mas makakaluwag at mas magiging mapayapa ang kanilang pamumuhay, dahil rin sa disyerto naman talaga ang kanilang bahay o tirahan.
Ang salitang heograpiya ay hango sa wikang Greek nageographia. Ang geo ay nangangahulugang“lupa” samantalang ang graphein ay “sumulat”.
 "Mahalagang malaman ang tungkol sa pisikal na aspeto ngdaigdig dahil tahananito ng tao," wika ng isang manunulat.Sumasang-ayon ka ba? Totoong mahalaga ang kaalaman saheograpiya ng daigdig sapagkat makatutulong ito upang lubos nating maunawaan ang mga
Tulad ng ibang disiplina ng Agham Panlipunan (antropolohiya, sosyolohiya,agham pampulitika, sikolohiya,ekonomiks, atlinggwistika) ang heograpiya ay lubos na nakakaapekto sa mga tao at pangyayaring nagaganap.
Pansinin mo ang larawan ng ating daigdig.Napakaganda, hindi ba? Bakitmahalagang pangalagaan ng tao ang daigdig? Makapagbibigay ka ba ng ilang katangian ng heograpiya ng daigdig? Subukan mong magbigay ng tatlong katangian.
Kung mapapagmasdan mo ang kagandahan ng daigdig mula sakalawakan, marahil ay maiisip mo na may malaking impluwensiya ang pisikal na kaanyuan ng daigdig sa paghubog ngkabihasnan ng mga taong nakatira dito. Tama ka. Ang heograpiya ayhindi lamang tungkol sa pag-aaralng pisikal na katangian ng daigdig.
Sinasaklaw din sa pag-aaral ng heograpiya ang pag- unawa at pagbibigay-paliwanag kung paanong ang kapaligiran ay nakatutulongsa paghubog ng kabihasnan at sa mgaparaan ng pamumuhay ng mga tao .
Ang mga nakaraang pangyayari at mga pagbabago sa daigdig o kasaysayan aynaipaliliwanag din sa pamamagitan ng pag- unawa sa pisikal na katangianng mgabansa sa daigdig. Isang halimbawa ang mga Phoenician. Habangnamumuhay angsinaunang tao naging magagaling namangmandaragat ang mgaPhoenician dahil ang lokasyon ng kanilang lugar ay nakaharap saDagatMediterranean. Gayundin, dahil sa mga ruta at daan sapagitan ng mga karagatan atmga kontinente, ang mga makapangyarihang bansa ay nakapagpalawak ng kanilang may malakingimpluwensiya sa kultura ng tao ang kanilang kinalalagyan saibabaw ngdaigdig. Halimbawa, dapat magsuot ang mga Eskimosa Alaska ngmakakapal na upang malabanan nila ang lamig sa bahaging itong daigdig. Kailangan namang magsuot ng makakapal na putong sa ulo ang mga Indiansa mainit na lugar saKapatagan ng Deccan at mga tao sa Arabia upang malabananang init dahil sa ang mga istilo ng mga bahay sa pookna nagyeyelo kungtaglamig ay kakaiba sa mga tahanan ng mga tao sa tropikal na mgabansa. Pangingisda ang ikinabubuhay ng maramingnakatira sa mga peninsula o pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Higit na maunlad ang kabuhayan ngmga bansang sagana sa likas na yaman kaysa mga bansang salat dito.May kinalaman din ang heograpiya sa paniniwala o
Naging mahalaga ang heograpiya sa pagtatatag at pagbagsak ng mga bansa. Naging makapangyarihan ang Carthage noong sinaunangpanahon dahil nasa teritoryonito ang Dagat Mediterranean.Subalit nang mapasakamay ngmga Romano ang nabanggit na bumagsak ang Carthage, nawalan ito ng halaga sa daigdig atnaging matatag naman ang ImperyongRoma. Mahalaga ang DagatMediterranean sapagkat ito ang nag-uugnay sa mga bansa sa Europa, Asya, at ang mga bansang nakatuklas ng ibang lupain sa ibangkontinente, gaya ng Espanya at Portugal noong ika-14 nasiglo, ay nakaungos sa ibang bansa dahil sakaalaman sa heograpiya at naging mga mananakop at maunlad na may mga bansa ring naging maunlad dahil pinag- aralan nila ang paggamit ng mga yamang-likas ng kanilang teritoryo o kayay tumuklas at gumamit ng mga yamang-likas ng ibanglupain upang manguna sa kalakalan at mga gawaing pampulitika sa buong daigdig, kagaya ng Inglatera at Amerika. Malaki ang kaugnayan ng heograpiya sa mga pandaigdigang penomena tulad ng El Niño, global warming, greenhouse effect , bagyo, sandstorm, tornado, lindol, tsunami, La Niña at iba pa. May ibat ibangepekto ang pagkakaiba-iba ng klima, elebasyon,porma ng kalupaan,katubigan, behetasyon o sistema nghalaman, uri ng lupa, atmineral, tulad
1. Ang porma o elebasyon ng lupa ay nakakaimpluwensiya sa klima. Naaapektuhan ngelebasyon ang temperatura at patak ng ulan, angepektong tinatawag na rain-shadow sa mga bulubundukin, angpababang pag-agos ng malamig na hangin sagabi, mga ihip ng hanginsa lambak at kabundukan, ang lakas at direksyon ng hangin, at iba pa.
2. Naaapektuhan din ng pormaat elebasyon ng lupa ang mga katubigan. Ang presipitasyon, distribusyon ng katubigan, pagkawala ng tubig sa mababang lugar, distribusyonng karagatan, ilog at mga lawaay nakasalalay sa taas o baba
3. May epekto rin ang porma ng lupa sabehetasyon o sistema nghalaman. Dahil saepektonito sa lupa at klima, iba- iba ang uri ng mga halamang tumutubo sa
4. Kaiba ang lupa na nabubuo sa malapit na bundok sa mgakapatagan kaysa doon samalapit sadagat. Dahil dito, iba rin ang sistema ng pagtatanim, at mga gawaingpang-ekonomiya sa bawat lugar. Ang mga lupang sagana sa mineral aynakapagbibigay ng ginto, pilak, tanso, at iba pang uri ng mineral namagagamit at nagpapaunlad sa mga
Ang mga bulubunduking may minahan ng mgaginto at mineral ay matatag na sandigan ng maunlad na ekonomiya. Dahil dito,maraming mga lupaing mayaman sa mineral ang nasakop noong panahon ngkolonyalismo at
5. Sa isang banda, ang klima rin ay may malaking epekto sa pag-iiba-ibangtemperatura, pagkatuyo o pagkabasa ng lupa, at sapagkabuo at pagkasira nito. Reponsable ang klima sa sukat ng ulan at dami ng
Dahil sa klima, iba-iba ang uring lupa sa maiinit at malalamig na lugar. Iba-ibang halamanang tumutubo sa iba’t ibang lugar batay sa lamig o init ng panahon. Dahil dyan, iba’tiba rin ang uri ng mga kalakal na ipinagbibili ng mga bansa sa pandaigdigang kalakalan.